Biyernes, Marso 31, 2017

Baguio City



Tunay ngang napakaganda ng bansang Pilipinas. Hindi maikakaila ang mga tanawing nakamamangha na siyang pumpukaw sa mga paningin ng mga mga Pilipino at pati na rin ang maraming turista na nanggaling pa sa iba't ibang bansa. Ang pakikisama ng mga Pilipino na nagnanais na magkaroon ng maganda at mabuting pakikitungo sa mga tao ay isa rin sa mga katangian na nagustuhan ng mga turista kaya't nagpapabalik-balik sa lugar na ito. Aking ipinagmamalaki ang bansang ito, ang bansa kung saan ako ipinanganak at lumaki. 


Gusto nyo bang mag enjoy at makakita ng mga magagandang tanawin na pam-patanggal stress at pagod? Pwes, Halina't magpunta at makisaya sa Baguio City na kilala rin sa tawag na "City of Pines".


Image result for Baguio city


Ang Baguio City ay matatagpuan sa Hilagang Isla ng Luzon. Napapalibutan ito ng probinsya ng Benguet. Ayon sa aking nasaliksik,  Itinatag ito ng mga Amerikao noong 1900 bilang isang bakasyunan sa panahon ng tag-araw sa isang nayon ng mga Ibaloi na dating tinatawag na Kafagway. Ginawang "Summer Capital" ang lungsod noong ika-1 ng Hunyo, 1903 ng "Philippine Commission" at idineklarang lungsod ng "Philippine Assembly" noong ika-1 ng Setyembre, 1909. Ang pangalang Baguio ay hango sa salitang Ibaloi na bagiw na ang ibig sabihin ay 'lumot'. Tinatayang nasa mahigit-kumulang sa 1500 metro(5100 talampakan) ang taas ng lungsod na naaayon para sa paglaki at pagdami ng mga punong pino at mga halamang namumulaklak. Isa sa naiisip kong dahilan kung bakit hindi nawawala sa listahan ng mga pinoy at turista ang Baguio sa listahan ng kanilang pagbabakasyunan ay dahil na din sa kakaibang klima nito, tag-araw o tag-ulan man, malamig pa din ang hangin dito kaya gustong-gusto itong pasyalan ng karamihan sa atin.



          Narito ang mga lugar na  maituturing na "Tourist  Spots" na aming pinuntahan sa Baguio City.  



Burnham Park







Sa Burnham Park, May mga bangka at bisekleta na maaari mong sakyan kasama ang iyong mga kaibigan o kapamilya, tiyak na kayo’y makakarelax sa napakagandang tanawin dito.


Mines View Park






Ang Mines View Park ay isa rin sa kilalang pasyalan na matatagpuan sa lungsod ng Baguio. Dito maaring matanaw ang Benguet's gold and copper mine at ang mga nakapalibot na kabundukan. Mayroon ding mauupahang largabista kung nais makita  ang mga tanawin dito.


Wright Park


Ang mahabang lanaw ng Wright Park na may pino at mga bulaklak sa loob nito ang pangunahing atraksiyon. May lugar sa pagsakay sa kabayo at puwede ring magpakuha ng laawan kasama ang mga Igorot.

 





Botanical Garden






Sa mga lugar na ito, makikita mo ang mga nakakamanghang  bundok at mga minahan, mga nag gagandahang bulaklak at ang mga taong masayang nakikipagkwentuhan,  karamihan ay mga magkakapamilya at magkakaibiganng namamasyal. Pwede ka din magpapicture sa mga aso at kabayo doon. Madami ding mabibiling souvenir dito na karamihan ay gawa sa kahoy at tsaka mga palamuti sa katawan. Kung ikaw naman ay biglang nagutom, wag kang mag-alala dahil marami ding tindahan dito na mapagbibilhan ng  mga masasarap na pagkain.










Chinese Temple (Taoist Bell Church)





Ang Taoist Bell Church ay isa sa mga atraksyon sa Baguio City na nakakakuha ng maraming  mga bisita. Ito ay matatagpuan sa ibaba ng La Trinidad Benguet. Dito makakahanap ka ng mga makukulay na mga templo, kaakit-akit na pagodas at magandang  landscape ng hardin. May mga aklat na magagamit para sa mga nais na malaman ang kasaysayan at kultura ng Tsina. Laging  matao t’wing  Chinese New Year dahil karamihan sa mga  Intsik  ay bumibisita sa templo upang manalangin at saksihan ang makulay na Chinese New Year Parade. Ito ay isang napaka-malaking kaganapan kung kaya’t pumunta na upang di mo  makaligtaan ang mga pangyayari lalong lalo na ang  kasiyahan dito.








Baguio Catholic Cathedral


Ang Katedral ng Baguio o Katedral ng Ina ng Kalubagang-loob ay isang Romano Katolikong Katedral  na matatagpuan sa Cathedral Loop, malapit sa Daang Session sa Lungsod ng Baguio. Natatangi ito dahil sa kaniyang kulay rosas na panlabas na kayarian at isa sa mga pinaka-nakukuhanan-ng-litratong gusali sa Lungsod ng Baguio. Nagsilbi itong isang sentro ng paglikas noong kapanahunan ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas  noong ikalawang digmaang pandaigdig.
Ang Baguio Catholic Cathedral ay matatagpuan din sa puso ng Baguio City at isa sa pinaka saikat na istraktura sa lungsod. Marami ding kwentong kababalaghan dito, may mga madre daw na nagpapakita tuwing madaling araw tsaka mga boses daw na hindi mo alam kung saan nanggagaling. Ayon na din sa aking pananaliksik, marami na daw namatay dun tsaka ginawang evacuation center ang Baguio City Cathedral 945. 




Maaari ring mag renta ng mga magandang kasuotan ng mga Igorot na eksklusibo lamang para sa mga turistang nagpupunta dito.




Strawberry Farm




Sa Strawberry Farm ay ang pinaka gusto kong puntahan dahil dito, may tinatawag silang "Strawberry picking" kung saan ikaw mismo ang mangunguha ng sariwang prutas na nanggaling sa kanilang mga pananim. 
May  mga sariwang samu't saring gulay, prutas at mga halaman din silang mga pananim kung saan maaari kang makabili sa mas murang halaga.





Ano ang unang bagay na pumapasok sa ating isipan kapag naririnig natin ang lugar ng Baguio City?
Strawberry! Hindi makokompleto ang saya kung wala  ang masarap na prutas na ito sa inyong pag uwi. 






Kaya, halina't magpunta at makisaya sa Baguio City! 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento