Tunay ngang napakaganda ng bansang Pilipinas. Hindi maikakaila ang mga tanawing nakamamangha na siyang pumpukaw sa mga paningin ng mga mga Pilipino at pati na rin ang maraming turista na nanggaling pa sa iba't ibang bansa. Ang pakikisama ng mga Pilipino na nagnanais na magkaroon ng maganda at mabuting pakikitungo sa mga tao ay isa rin sa mga katangian na nagustuhan ng mga turista kaya't nagpapabalik-balik sa lugar na ito. Aking ipinagmamalaki ang bansang ito, ang bansa kung saan ako ipinanganak at lumaki.
Gusto nyo bang mag enjoy at makakita ng mga magagandang tanawin na pam-patanggal stress at pagod? Pwes, Halina't magpunta at makisaya sa Baguio City na kilala rin sa tawag na "City of Pines".
Ang Baguio City ay matatagpuan sa
Hilagang Isla ng Luzon. Napapalibutan ito ng probinsya ng Benguet. Ayon sa
aking nasaliksik, Itinatag ito ng mga Amerikao noong 1900 bilang
isang bakasyunan sa panahon ng tag-araw sa isang nayon ng mga Ibaloi na dating
tinatawag na Kafagway. Ginawang "Summer Capital" ang lungsod noong
ika-1 ng Hunyo, 1903 ng "Philippine Commission" at
idineklarang lungsod ng "Philippine Assembly" noong ika-1 ng
Setyembre, 1909. Ang pangalang Baguio ay hango sa salitang Ibaloi na bagiw na
ang ibig sabihin ay 'lumot'. Tinatayang nasa mahigit-kumulang sa 1500
metro(5100 talampakan) ang taas ng lungsod na naaayon para sa paglaki at
pagdami ng mga punong pino at mga halamang namumulaklak. Isa sa naiisip
kong dahilan kung bakit hindi nawawala sa listahan ng mga pinoy at turista ang
Baguio sa listahan ng kanilang pagbabakasyunan ay dahil na din sa kakaibang
klima nito, tag-araw o tag-ulan man, malamig pa din ang hangin dito kaya
gustong-gusto itong pasyalan ng karamihan sa atin.
Narito ang mga lugar na maituturing na "Tourist Spots" na aming pinuntahan sa Baguio City.
Burnham Park
Sa Burnham
Park, May mga bangka at bisekleta na maaari mong sakyan kasama ang iyong mga
kaibigan o kapamilya, tiyak na kayo’y makakarelax sa napakagandang tanawin
dito.
Mines View
Park
Ang Mines View Park ay isa rin sa kilalang pasyalan na matatagpuan sa lungsod ng Baguio. Dito maaring matanaw ang Benguet's gold and copper mine at ang mga nakapalibot na kabundukan. Mayroon ding mauupahang largabista kung nais makita ang mga tanawin dito.
Wright Park
Ang mahabang lanaw ng Wright Park na may pino at mga bulaklak sa loob nito ang pangunahing atraksiyon. May lugar sa pagsakay sa kabayo at puwede ring magpakuha ng laawan kasama ang mga Igorot.
Botanical Garden
Sa mga lugar na ito, makikita mo ang mga
nakakamanghang bundok at mga minahan, mga nag gagandahang bulaklak at ang
mga taong masayang nakikipagkwentuhan,
karamihan ay mga magkakapamilya at magkakaibiganng namamasyal. Pwede ka
din magpapicture sa mga aso at kabayo doon. Madami ding mabibiling souvenir
dito na karamihan ay gawa sa kahoy at tsaka mga palamuti sa katawan. Kung ikaw
naman ay biglang nagutom, wag kang mag-alala dahil marami ding tindahan dito na
mapagbibilhan ng mga masasarap na
pagkain.
C hinese Temple (Taoist Bell Church)
Ang Taoist
Bell Church ay isa sa mga atraksyon sa Baguio City na nakakakuha ng maraming mga bisita. Ito ay matatagpuan sa ibaba ng La
Trinidad Benguet. Dito makakahanap ka ng mga makukulay na mga templo,
kaakit-akit na pagodas at magandang
landscape ng hardin. May mga aklat na magagamit para sa mga nais na
malaman ang kasaysayan at kultura ng Tsina. Laging matao t’wing
Chinese New Year dahil karamihan sa mga Intsik ay bumibisita sa templo upang manalangin at
saksihan ang makulay na Chinese New Year Parade. Ito ay isang napaka-malaking
kaganapan kung kaya’t pumunta na upang di mo makaligtaan ang mga pangyayari lalong lalo na
ang kasiyahan dito.
Baguio Catholic Cathedral
Ang Katedral ng Baguio o Katedral ng Ina ng Kalubagang-loob ay isang Romano Katolikong Katedral na matatagpuan sa Cathedral Loop, malapit sa Daang Session sa Lungsod ng Baguio. Natatangi ito dahil sa kaniyang kulay rosas na panlabas na kayarian at isa sa mga pinaka-nakukuhanan-ng-litratong gusali sa Lungsod ng Baguio. Nagsilbi itong isang sentro ng paglikas noong kapanahunan ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas noong ikalawang digmaang pandaigdig.
Ang
Baguio Catholic Cathedral ay matatagpuan din sa puso ng Baguio City at isa sa
pinaka saikat na istraktura sa lungsod. Marami ding kwentong kababalaghan dito,
may mga madre daw na nagpapakita tuwing madaling araw tsaka mga boses daw na
hindi mo alam kung saan nanggagaling. Ayon na din sa aking
pananaliksik, marami na daw namatay dun tsaka ginawang evacuation
center ang Baguio City Cathedral 945.
Maaari ring mag renta ng mga magandang
kasuotan ng mga Igorot na eksklusibo lamang para sa mga turistang nagpupunta
dito.
Strawberry Farm
Sa Strawberry Farm ay ang pinaka gusto kong puntahan dahil dito, may tinatawag silang "Strawberry picking" kung saan ikaw mismo ang mangunguha ng sariwang prutas na nanggaling sa kanilang mga pananim.
May mga sariwang samu't saring gulay, prutas at mga halaman din silang mga pananim kung saan maaari kang makabili sa mas murang halaga.
Ano ang unang bagay na pumapasok sa ating isipan kapag naririnig natin ang lugar ng Baguio City?
Strawberry! Hindi makokompleto ang saya kung wala ang masarap na prutas na ito sa inyong pag uwi.
Kaya, halina't magpunta at makisaya sa Baguio City!